-- Advertisements --
Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang pag-iral ng dalawang low pressure area (LPA) sa paligid ng ating bansa.
Ayon kay Pagasa forecaster Jomaila Garrido, isang mahinang LPA ang nasa layong 595 kilometro sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Hindi naman ito magla-landfall ngunit maaaring makahatak ng ulap na magdadala ng ulan sa extreme Northern Luzon.
Habang isa pang namumuong sama ng panahon ang papasok bukas sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 2,000 kilometro sa silangan ng ating landmass.
Maaari umano itong lumakas bilang bagyo ngunit hindi pa matukoy kung anong lugar ang maaapektuhan sa mga darating na araw.