-- Advertisements --

Asahan ang panibagong mga bagyo sa susunod na linggo.

Ito ang naging anunsyo ng Pagasa, dahil sa namataang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao at sa silangan ng Northern Luzon.

Posible umanong maunang maging bagyo ang nasa silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Habang susunod naman ang nasa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Kung parehong magiging bagyo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang mga ito, bibigyan ang dalawa ng kani-kaniyang local name.

Base sa listahan ng Pagasa, ang susunod na sama ng panahon ay tatawaging “Kabayan,” habang ang kasunod ay “Liwayway.”