Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 ang Batanes at Babuyan Group of Island dahil sa patuloy ng paglakas ng tropical storm Hanna.
Sa pinakahuling taya ng ahensiya, nakita ang sentro nito sa 730 kilometers silangan ng Calayan, Cagayan.
May dala ito ng lakas ng hangin ng 110 kilometers per hour at pagbugso ng 135 kph.
Patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang bagong low pressure area na nas 260 kilometers west northwest ng Iba, Zambales na ito ay maaaring maging tropical depression sa mga susunod na araw.
Dahil sa nasabing sama ng panahon ay makakaranas ng mahina hanggang malakas na pag-ulan ang Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Island, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Cavite, Batangas, Laguna, Zambales, Bataan, Aklan at Antique.
Mayroong pakalat-kalat na pag-ulan naman sa Metro Manila, Central Visayas at ang natitirang bahagi ng Luzon.
Inaasahan naman na makakalabas na sa Philippine area of responsibility si Hanna sa gabi ng Biyernes.