Kapwa nakapagtala ang dalawang bayan sa probinsya ng Benguet ng below 9.6°C ngayong araw, January 28, 2025.
Batay sa datus ng Benguet State University (BSU) Agromet Station sa bayan ng La Trinidad, bumagsak sa 9.6°C ang temperatura sa naturang bayan.
Bumagsak naman sa 9.5°C ang temperatura sa bayan ng Tuba, batay sa record ng Benguet Radar Station sa Mount Santo Tomas.
Unang naitala ang 9.4°C na temperatura sa La Trinidad nitong nakalipas na araw ng Linggo (Jan. 26), ang itinuturing na pinakamababang temperatura ngayong Amihan.
Maliban sa mga nabanggit na bayan sa Benguet, nananatiling mababa ang temperatura sa ilang mga lugar sa Hilagang Luzon tulad ng mga sumusunod:
Baguio City – 11.8°C
Itbayat, Batanes – 15.6°C
Calayan, Cagayan – 18.4°C
Tanay, Rizal – 18.4°C
Sinait, Ilocos Sur – 18.7°C
Abucay, Bataan – 18.8°C
Casiguran, Aurora – 19.4°C
Malaybalay, Bukidnon – 19.5°C
Iba, Zambales – 19.7°C
Tuguegarao City, Cagayan – 20.2°C
Patuloy naman ang inaasahang pagbaba ng temperatura sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Northern Luzon dahil sa pag-iral at posibleng paglakas pa nito sa mga susunod na linggo.