-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Pasok ang Santiago City at Ilagan City sa Top 50 na pinakamayamang lungsod sa Pilipinas kung ang pagbabatayan ay kabuuang asset value.
Ayon sa talaan na inilabas ng Commission on Audit (COA), nasa ika-44 na puwesto ang lungsod ng Santiago na mayroong P4.820 billion na net assets noong 2019 at P5.470 billion sa 2020.
Nasa ika-50 puwesto naman ang siyudad ng Ilagan na mayroong net assets na P3.380 billion noong 2019 at P4.840 billion noong 2020.
Samantala, nasa ika-67 na puwesto naman ang Tuguegarao City na may net asset na P3.420 billion noong 2019 at P3.740 billion sa 2020.