Halos dalawang million na mga residente sa Austria na hindi pa nabakunahan ang isinailalim sa lockdown.
Ito ay sa gitna ng tumataas na infection levels at tumataas na pressure sa mga ospital.
Ayon kay Chancellor Alexander Schallenberg kailangang-kailangan nilang gawin ang nasabing hakbang.
Makakaalis lamang sa kanilang bahay ang mga hindi bakunado kapag magtrabaho o bumili ng pagkain.
Humigit-kumulang 65% ng populasyon ng Austria ang fully vaccinated, isa sa pinakamababang rate sa kanlurang Europa.
Samantala ang seven-day infection rate ng bansa ay higit sa 800 kaso bawat 100,000 katao, isa sa pinakamataas sa Europa.
Sa pangkalahatan, ang Europa ay muling naging rehiyon na pinaka-seryosong naapektuhan ng pandemya at ilang bansa ang nagpapatupad ng mga paghihigpit at babala sa tumataas na mga kaso.
Ang mga hindi nabakunahan ay pinagbawalan na sa pagbisita sa mga restawran, mga salon at mga sinehan at pinayuhan na manatili sa bahay.