-- Advertisements --
ILOILO CITY – Namatay dahil sa COVID-19 ang dalawang madre sa Carmelite Monastery and Convent sa Barangay Lopez Jaena Norte, La Paz, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na ang mga namatay ay kabilang sa 24 na mga madre na una nang nagpositibo sa virus noong nakaraang linggo.
Maliban sa mga madre, nagpositibo rin sa virus ang 9 na mga staff.
Ayon kay Conlu, pawang mga senior citizen ang mga namatay na madre.
Sa ngayon, nagpapagaling na ang mga nagpositibo sa virus sa loob ng monesteryo.