-- Advertisements --
image 106

Sa dalawang magkahiwalay na desisyon ng Sandiganbayan at Office of the Ombudsman, ibinasura nito ang mga kaso laban kay Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles at iba pang indibidwal.

Ito ay kaugnay pa rin sa naging anomalya o maling paggamit sa Priority Assistance Funds sa isang proyektong pang Agrikultura sa rehiyon ng Caraga.

Kinatigan ng Sandiganbayan Fourth Division ang inihaing mosyon ni Napoles at anim pang akusado para ibasura ang kanilang mga kasong graft at malversation dahil umano sa paglabag nito sa kanilang karapatan ng pabilisin nito ang disposisyon ng kaso.

Ang kasong ito ay may kaugnayan naman sa umano’y irregularidad sa pagbili ng mga fertilizers na proyekto sa Del Carmen, Surigao del Norte.

Binanggit ng anti-graft court ang malaking pagkaantala sa pagsasampa ng mga kaso, na itinuring nilang hindi makatwiran, nakakainis, at mapang-api.

Dahil dito, nabawasan at na-dismiss ang reklamo, at inalis ang hold departure orders laban kay Napoles at iba pang akusado.

Samantala, ibinasura rin ng Office of the Ombudsman ang patong patong na kasong kriminal laban kay Napoles at 13 na respondents.

Kabilang na rito ang dating mambabatas ng Agusan del Sur na si Rodolfo Plaza.

Kaugnay pa rin ito sa paglilipat ng mga PDAF funds sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno .

Giit pa nito na hindi sapat ang mga ebidensya upang hatulan na nagkasala si Napoles at ang 13 na respondents sa kasong graft, bribery at corruption of public officials.

Binanggit ng Ombudsman na kulang ang ebidensya upang mapatunayan ang overpricing at maling gawain ni Napoles dahilan upang mabswelto ito sa mga kasong graft.

Dagdag pa nito na ibinasura rin ang mga kasong malversation dahil sa kawalan rin ng sapat na basehan o ebidensya.