-- Advertisements --

NAGA CITY- Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng halos magkasunod na indiscriminate firing na naitala sa bayan ng San Jose, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Margarito Manaog, hepe ng San Jose-PNP, kinumpirma nito ang naturang insidente kung saan mismong si Incumbent Municipal Mayor Antonio B. Chavez ang nagpaabot ng impormasyon kaugnay ng pagpapaputok ng baril ng riding in tandem suspects sa harap ng bahay ni Incumbent Municipal Councilor Roy Fernan Credo.

Narekober sa lugar ang anim na piraso ng basyo ng caliber .45 pistol.

Samantala, sa Zone 4, Barangay. Tagas sa parehong bayan nang magpasaklolo rin ang isang Matites Chavez Cobilla, 26-anyos at kilala bilang tagasuporta ni Incumbent Municipal Mayor Chavez matapos pagbabarilin din ng hindi pa nakikilalang salarin.

Maswerte namang nakaligtas ang naturang biktima.

Narekober din sa lugar ng pinangyarihan ang ilang bala mula sa caliber .45.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang pinaghahanap na rin ang mga suspek sa likod ng naturang pamamaril.