-- Advertisements --

CEBU CITY – Dalawang sunog ang nangyari sa lungsod ng Cebu kahapon kung saan tinupok ang nasa halos 40 mga kabahayan at nasa mahigit P4 million ang naitalang danyos.

Nangyari ang unang sunog sa Sitio Lower Capaculan, Barangay Punta Princesa, kung saan pinaniniwalaang electrical mishap ang sanhi nito.

Inihayag ni SFO2 Wendel Villanueva, ang tagapagsalita ng Cebu City Fire Office, na nasa 14 na kabahayan ang natupok kung saan nasa mahigit 40 mga indibidwal ang apektado.

Habang, sumunod naman ang isa pang sunog sa Sitio Bato, Barangay Ermita sa lungsod kung saan nasunog ang nasa 25 mga kabahayan at nasa 150 katao ang apektado.

Umabot naman sa P750,000 ang danyos at tinitingnan din ng mga bombero kung posibleng may kinalaman din sa suplay sa kuryente ang sanhi ng nasabing sunog.