Arestado ng mga tauhan ng NPD District Anti-Carnapping Unit (DACU) ang dalawang suspeks na magnanakaw ng motorsiklo sa ikinasang anti-carnapping operation sa may bahagi ng Langit Road, Barangay Bagong Silang, Caloocan City.
Nakumpiska sa mga suspeks ang anim na motorsiklo at ibat ibang parts ng motorsiklo.
Kinilala ni PNP Chief ang dalawang naarestong suspeks na sina Emil Ramirez, 25 years old at Alvin Lorenzana, 26 years old. Arestado din ang isang nagngangalang Sambile sa follow-up operation.
Siniguro ni Eleazar na hindi titigil ang PNP sa kanilang anti-criminality operations.
Pinuri ni PNP Chief ang mabilis na aksyon ng Northern Police District District Anti-Carnapping Unit (DACU) sa pamumuno ni Police Major Jessie B Misal na nagresulta sa pagkakarekober ng nakaw na motor at pag-aresto ng 2 suspek.
Ayon kay Eleazar, nalutas ang kaso ng pagnanakaw ng motor sa araw din na nagsumbong ang complainant sa mga pulis.
Nireport ng complainant na ninakaw ang kanyang motor sa Champaca Extension Area B, Brgy. 174, Camarin, Caloocan City kahapon ng umaga.
Narekober sa mga suspek ang isang itim na Yamaha Mio Sporty 40C9, model 2018, isang Yamaha Mio MXI 125, isang Yamaha Mio Sporty, isanb RUSI 125, isang MOTORSTAR, at samu’t saring piyesa ng motorsiklo.
Magugunitang binilinan ni PNP Chief ang mga Police commanders na ituring ang anumang sumbong ng mga mamayan bilang direktang utos mula sa kaniya para umaksyon.