-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek sa pagbaril-patay sa dalawang magsasaka sa Sitio Nalbengan, Brgy. Cuba, Kapangan, Benguet.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCpt. Jerry Pangosfian, chief of police ng Kapangan MPS; kinilala niya ang mga biktima na sina Eliterio Sacla Licudan, magsasaka, 47 -anyos at residente nh Sagpat, Kibungan, Benguet at si Jerick Lidama, may-asawa; 25-anyos, tubo ng Bindoy, Negros Oriental at residente sa parehong lugar.

Sa imbestigasion ng pulisya, nangyari ang pamamaril pasado alas-singko kaninang umaga kung saan nakasakay ang mga biktima sa isang Isuzu elf truck na may nakamarkang Kibungan Vegetable dealer.

Aniya, nakatanggap ang pulisya ng impormasion sa nangyaring pamamaril sa naturang lugar na agad nirepospondehan ng mga otoridad at ditoy kinumpirma na dalawa ang nasawi sa pamamaril.

Agad namang kinilala ni Ellison Balay-as Licudan na ang isa sa mga biktima ang kanyang anak.