-- Advertisements --

Patay ang dalawang magsasaka habang sugatan naman ang dalawang iba pa nilang kasamahan matapos silang pagbabarilin sa Occidental Mindoro.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ito sa talahiban sa Sitio Pagbahan, Barangay Alacaak sa bayan ng Sta. Cruz.

Sinasabing dinukot ang mga biktima habang nagpapahinga sila sa kubo.

Nasa tatlong armadong lalake umano ang gumawa ng naturang krimen.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa nabanggit na pangyayari.