-- Advertisements --
Nagdesisyon ang mga organizers ng dalawang malalaking golf tournament na kanselahin ang torneo ngayong taon dahil sa coronavirus pandemic.
Inanunsiyo ng Ryder Cup at Presidents Cup ang tuluyan nilang pagkansela ng torneo ngayong taon.
Gaganapin sana sa Setyembre ang Ryder Cup sa Whistling Straits Golf Course in Sheboygan County, Wisconsin.
Ayon kay PGA of America CEO Seth Waugh na walang katiyakan na magkaroon ng hawaan sa nasabing torneo na ito ay dinarayo ng ilang libong mga audience.
Wala pang bagong petsa na inanunsiyo ng Ryder Cup organizer.
Ang President Cups naman na gaganapin sa Charlotte, North Carolina ay inilipat naman sa 2021.