-- Advertisements --

CEBU– Sinalubong ng dalawang malaking sunog ang Mother’s Day sa Cebu City.

Unang sunog ang tumupok sa limang bahay sa Sitio Caimito, Brgy. San Nicolas, Cebu City.

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection- Cebu na nagsimula ang sunog sa bahay ni Cristabel Malig-on na nagsimba lang ng nangyari ang insidente.

Humigit-kumulang P700,000 ang danyos ng nasabing sunog at may isang natalang sugatan.

Samantala, matapos ang ilang oras ay nangyari ang isa pang sunog sa Sitio Alumnus Seaside Brgy. Basak, San Nicolas, Cebu City.

Itinaas pa ito sa second alarm at dineklarang fire out matapos ang ilang oras.

Ayon kay FO2 Fulbert Navarro, ang Cebu Cebu City Fire Investigator na aabot sa 115 kabahayan ang natupok at tinatantyang aabot sa P1.2 million ang danyos nito.

Wala namang natalang namatay pero dalawa ang nagtamo ng first degree burn na sila si Jerry Chevaria,30-anyos at Verna Faistrilia, 40-anyos na siyang may-ari ng bahay kung saan unang nagsimula ang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa dahilan ng sunog sa magkaibang lugar.