-- Advertisements --

Naapula na 100% ang 2 malaking wildfires matapos ang mahigit 3 linggo mula ng sumiklab ang mga ito sa Los Angeles, California USA.

Ayon sa fire officials nitong Biyernes, oras sa Amerika, na-contain na ang Eaton fire na tumupok sa mahigit 14,000 ektarya o katumbas ng 57 square km sa silangang bahagi ng LA.

Gayundin kinumpirma ng California Department of Forestry and Fire protection na naapula na ang mas malaking Palisades Fire na tumupok sa 23,448 ektarya o katumbas ng 95 square km sa kanlurang bahagi ng LA.

Ang 2 major fires kasama ang ilang maliliit na sunog ay itinuturing bilang “worst natural disaster” sa kasaysayan ng LA county na kumitil sa 28 katao at puminsala sa mahigit 16,000 struktura ayon sa California Fire department habang napilitan namang lumikas ang nasa 180,000 residente.

Tinataya naman ng Private forecaster na AccuWeather na aabot sa mahigit $250 billion ang posibleng halaga ng pinsala at economic losses dahil sa malawakang wildfires.

Itinuturing naman ng firefighters ang 100% containment ng naturang wildfires na simboliko gayong nananatiling isolated ang natitirang mga sunog sa matatarik na kabundukan.