Nakatakdang magpakawala ng tubig ang 2 malalaking dam sa Luzon ngayong Miyerkules dahil sa pabugso-bugsong pag-ulan na nakakaapekto sa mga watershed.
Ayon kay state weather Hydrologists Sonia Serrano, nagsimulang magpakawala ng tubig ang Ipo dam sa Bulacan at Binga dam sa Benguet kaninang alas-11 ng umaga.
Kung saan nagpakawala ang Ipo dam ng 61 cubic meters per second habang ang Binga dam naman ay nagpakawala ng tubig na 27 cubic meters per second.
Ang antas ng tubig sa Ipo dam ay nasa 0.57 meters ng mas mataas mula sa normal high water level nito na 101.1 meters sa panahon ng tag-ulan.
Samantala, ang antas ng tubig sa Binga dam ay nasa 3.25 meters, mababa sa normal-high water level na 575 meters.
Ipinaliwanag naman ni Serrano na nananatiling minimal ang paglalabas ng tubig sa mga dam at hindi masyadong makakaapekto sa mga mabababang lugar subalit nagbabala pa rin ito sa posibleng pagbaha sa ilang mga lugar.
Pinapayuhan din ang mga residente na nasa mabababang lugar at malapit sa mga ilog ng angat river sa Angat River sa Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy sa Bulacan na manatiling alerto dahil maaaring tumaas ang lebel ng tubig.
Maaari naman aniyang makaapekto ang pagpapakawala ng tubig mula sa Binga dam sa Barangay Ambuklao sa Bokod, Benguet, at Barangays Dalupirip at Tinongdan sa Itogon, Benguet.