-- Advertisements --
Hindi pinatuloy sa Israel ang dalawang Briton na miyembro ng parlyamento.
Sina Abtisam Mohamed at Yuan Yang ng Labour Party ay bahagi ng parliamentary delegation ng harangin sila sa border.
Nagtangka umano ang dalawa na manguna sa anti-Israel activities.
Dahil sa pangyayari ay agad silang pinabalik sa London.
Ang nasabing insidente ay siyang pinakahuling insidente kung saan hindi pinapapasok ng Israel ang mga dayuhang mambabatas at dignitaries na bumabatikos sa kanilang bansa.