DAVAO CITY – Patuloy ngayon na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan ng dalawang mga mangingisda na una ng nailigtas ng mga personahe ng Mati City Disaster Risk Reduction and Management Office matapos na sumabog ang makina ng kanilang bangka.
Una ng napag-alaman na ang dalawang mangingisda ay parehong naninirahan sa General Santos City.
Nakilala ang mga ito na sina John Mark Mamintong , 25 anyos at Ceasar Alterado, 40 anyos.
Una ng nakatanggap ng report ang Mati CDRRMO na may bangka na sumabog ang makina sa Barangay Macambol na sakop sa nasabong lalawigan.
Nabatid na nagkakarga ang mga biktima ng mga supplies sa kanilang bangka malapit sa dalampasigan ng Macambol ng bigla na lamang nangyari ang nasabing insidente.
Nagtamo siMamintong ng second degree burn sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan at muka at nahihirapan itong huminga.
Agad naman itong binigyan ng thermal blanket at oxygen ng mga rescuers.
Samantalang si Alterado ang nakaranas ng first degree burn sa kanang bahagi ng kanyang katawan at blisters sa kanyang mukha at kanang bahagi ng kanyang dibdib.
Pareho ngayon na naka-confine ang mga pasyente sa Davao Oriental Provincial Medical Center.