-- Advertisements --

LA UNION – Nasagip ng Coast Guard La Union ang dalawang mangingisda matapos bumaliktad ang kanilang bangka sa laot.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Commander Alois Morales, ng Coast Guard, La Union Station, sinabi nito na alas alas 8:15 kaninang umaga ng matanggap nila ang report na may dalawang mangingisda na nasa laot.

Ayon kay Morales nasa layong 3.5 nautical mile mula sa shoreline ng Barangay Samara, Aringay, La Union, kung saan nakatuntong sa kanilang bumaliktad na bangka ang mga mangingisda at mga kawani ng PNP Maritime, civilian volunteer at coast guard ang sumaklolo sa kanila.

Bagama’t hindi na kasama ang La Union sa warning signal ay nanatili pa rin malakas na hangin at alon sa dagat.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Morales ang publiko na huwag munang piliting pumalaot habang nananatili pa sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo Dante.