-- Advertisements --
Arestado ang dalawang mangingisda mula sa North Korea matapos ang pagpatay sa 16 nilang mangingisda.
Nadiskubre ang insidente ng makatawid ang mga ito sa South Korea para mag-apply ng asylum bilang defectors.
Inamin ng dalawa na pinatay nila ang kanilang kapitan ng barko at ibang kasamahan dahil sa maling pagtrato.
Itinapon nila ang mga bangkay sa karagatan.
Agad namang ipinasakamay ng mga otoridad ng South Korea ang mga suspke sa North Korea.