CAGAYAN DE ORO CITY – Ligtas na nakaahon mula sa bangis na mga alon ng dagat ng Misamis Oriental ang magkapitbahay na mga mangingisda nang inanod sila papunta sa karagatang sakop ng Iligan City.
Ito ay bunsod pa rin sa pagpaparandam na ng bangis ng bagyong Odette na inaasahan ang pagtama ng mata sa kalupaan ng Caraga Region sa susunod na mga oras o bukas.
Kinilala ang mga nailigtas na mga mangingisda na sina Roel Tupag at Vincent Herrera na kapwa taga-Initao nga lalawigan kung saan unang nahampas ang kanilang sakayang pandagat habang inabutan ng malakas na hangin epekto ng bagyong Odette.
Kuwento ng mga biktima na dahil nasira na ang makina ng kanilang fishing boat ay nagpalutang-lutang na lamang sila at sinabayan ang ihip ng hangin ang galaw ng dagat hanggang sa nadatnan ng ilang mangingisda sa pagdating sa Iligan City.
Samantala,kinompirma rin ni Misamis Oriental PDRRMD chief Fernando Dy Jr na pansamantalang pinauwi nila ang mahigit 300 pamilya na unang inilikas mula a Gingoog City at Balingoan ng lalawigan.
Ito ay matapos humupa na ang mga kaunting pagbaha sa kanillang mga kinalalagyan resulta ng mga pag-ulan simula pa kahapon ng umaga.
Subalit dahil sa banta na dala ng bagyo ay nasa red alert status na ang buong probinsya at naka-standby ang lahat ng mga opisyal alinsunod sa kautusan na inilabas ng Office of the Civil Defense 10.