LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Major Joseph Tayaban, chief of police ng PNP-Badoc na nakauwi na sa kanilang bahay ang mag-amang mangingisda na una nang nawala matapos pumalaot.
Ayon kay Tayaban, ang mag-amang sina Oscar Retamal at Aljon Pagud na residente sa Barangay Gabut Norte sa naturang bayan ay 21 na oras na nagpalutang-lutang sa dagat hanggang sa mapadpad sa Barangay Lapaz dito sa lungsod ng Laoag.
Inihayag nito na sa pag-iimbestiga nila kasama ang kasapi ng coastguard ay tumaob ang bangka ng mga ito at nabutas rin.
Dahil dito, sinabi ni Tayaban na ginamit ng mag-ama ang kanilang sirang bangka para lumutang at sinikap na makapunta sa gilid ng dagat.
Sinabi rin nito na isang nagngangalang Gemma Basican ang tumulong sa mga ito at pinakain dahil sa pagod nila at gutom ang mga ito.
Agad naman aniya na naireport sa PNP at sa coastguard na nasa pampang na ang dalwang mangingisda at sinundo nila ito.
Dumaan rin ito sa medical check up para masiguradong nasa ligtas ng kondisyon at mga ito at dahil na rin sa pagod.