-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dalawang mataas na lider ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi sa inilunsad na law enforcement operation ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Buenaventura Dawal alyas Atan,Executive Committee Chairman ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) at alyas Alambro, NPA Commander.

Habang nakatakas naman si Patrick Nadong alyas Chris.

patay naman at tinamaan ng mga ligaw na bala ang sibilyan na si Dennis Estiaga Nogollos 38 anyos.

Ayon kay 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong na nagsagawa sila ng law enforcement operation kasama ang pwersa ng 90th Infantry (Bigkis-Lahi) Battalion,72nd IB,President Roxas MPS at Cotabato PNP sa Sitio Marinangao Barangay Sarayan President Roxas North Cotabato para isilbi ang warrant of arrest laban sa mga suspek sa kasong murder at frustrated murder.

Papasok pa lang ang raiding team sa kanilang target ay pinaputukan na sila ng mga NPA.

Agad gumanti ng putok ang mga otoridad kaya malubhang nasugatan si Dawal at alyas Alambo habang nakatakas si Nadong.

Naisugod pa ang mga sugatan sa Antipas District Hospital ngunit binawian rin sila ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa kanilang katawan.

Narekober sa mga nasawi ang isang Elisco M16 Armalite rifle,isang M1 Carbine rifle,isang Norinco kalibre.45 na pistola,dalawang Improvised Explosive Device (IED),mga bala,magazine,mga personal na kagamitan at mga mahahalagang dokumento ng kilusang komunista.

Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy sa militar at pulisya sa matagumpay nilang operasyon.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang nakatakas na tauhan ni Kumander Dawal.