-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang 2 mataas na opsiyal ng Department of Agriculture (DA) sa gitna ng pagsipa ng mga kaso sa bansa.

Ang mga opisyal na nagpositibo sa sakit ay sina DA spokesperson at ASec. Arnel De Mesa at ASec. for Operations U-Nichols Manalo.

Nakakaranas umano si De Mesa ng lahat ng mga sintomas ng COVID-19 .

Kasalukuyan naman ng sumasailalim ang 2 opisyal ng DA sa quarantine sa loob ng 5 araw.

Nagpositibo sa COVID-19 si ASec. De Mesa noong hapon ng Miyerkules, mayo 29 habang si ASec. Manalo naman ay nakumpirmang dinapuan din ng naturang sakit sa sumunod na araw, Mayo 30.

Nagsasagawa na rin ang Department of Health ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng 2 opisyal.

Samantala, kasalukuyang nakaalerto din ang bansa sa kumakalat ngayon sa ibang mga bansa na FLiRt variants na descendants ng sublineage ng Omicron variant.