Sinibak ni Russian President Vladimir Putin ang mataas na opisyal ng kapulisan nito matapos ang pagkakaaresto ng journalist na si Ivan Golunov.
Ayon sa interior ministry office na pinatanggal si western Moscow police chief Maj.General Andrei Puchkov at drug control boss Maj. General Yury Devyatkin.
Si Golunov ay pinalaya matapos na mapatunayan ng korte na planted lamang ang droga na natagpuan sa kaniya.
Ang 36-anyos na journalist ay nagtatrabaho sa Latvia-base independent news website Meduza.
Inaresto ito noong nakaraang linggo at sinasabing sinaktan pa habang ito ay nasa kustodiya ng mga kapulisan.
Dahil sa pagkakaaresto ay maraming mga umalma at nagsagawa ng kilos protesta sa Central Moscow.
Maraming mga protesters ang inaresto ng mga kapulisan.