-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki matapos na saksakin nito ang dalawang may edad na Asian sa San Francisco.

Naganap ang insidente sa Market Street ng magkasunod na saksakin ng suspek ang 84-anyos at 63-anyos na mga babae.

Unang nasaksak sa likod ang 63-anyos bago sinundan ng 84-anyos na babae kung saan naiwan pa ang nasabing kutsilyo.

Agad na itinakbo sa pagamutan ang mga biktima at sila ay nagpapagaling na.

Habang ang suspek na naaresto agad ay kinilalang si Patrick Thompson, 54-anyos at sinampahan na ng kasong double attempted murder at elder abuse.

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo ng suspek kung ito ba ay naudyukand dahil sa asian hate.