Boluntaryong sumuko ang dalawang miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute ISIS terrorists sa Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur .
Ayon kay Lt. Col. Ian Noel Ignes, Commanding Officer ng 55th Infantry Battalion, sa ilalim ng Joint Task Force Ranao, isinuko rin ng mga Maute ang isang kalibre 50 baril at Garand rifle.
Nitong buwan lamang ng Oktubre umabot na sa 10 Maute members ang sumuko sa Joint Task Force Ranao.
Naniniwala ang AFP na wala nang kapangyarihan ang mga Maute at kanilang tagasuporta sa Mindanao para makapaghasik ng karahasan.
Nakilala ang mga surenderees na sina Mr. Mubarak Dimasangkay Bassit at Mr. Alinok Muntik.
Ang dalawang sumukong Maute-ISIS ay kabilang sa sumalakay sa Brgy Pantar detachment sa Lumbatan nuong kasagsagan ng Marawi siege bilang diversionary tactics habang nakikipaglaban ang Maute groups sa loob ng Main Battle Area (MBA) buwan ng Setyembre nuong nakaraang taon.