-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinaghahanap na sa ngayon ng mga otoridad ang isang lolo sa bayan ng Esperanza Sultan Kudarat matapos na mabunyag ang panghahalay nito sa sariling mga apo na kapwa mga menor de edad.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal sa 10 anyos na kapatid ng mga biktima na si alyas Toto, dalawang beses nitong nakita ang pambababoy ng kanilang lolo sa kanyang ate at madalas umano itong nagaganap sa gab-i kung saan magigising na lang ito na pumamapasok ang kanilang lolo sa kwarto kun saan nakahiga kasama ang kanilang nakakatandang kapatid na babae na si Inday.

Dagdag pa ni Toto tinutukan umano ng suspek si Inday ng baril sa ulo at pinapasunod sa kusina sa kalagitnaan ng gabi at hinuhubadan ng suspek at binababoy sa ibabaw ng mesa sa kusina.

Madalas na parausan ng suspek ang biktima alas 3 ng hapon, alas 7 ng gabi at hating gabi.

Ayun pa kay Toto nung una ay natatakot umano ito na mag sumbong sa ama nito dahil baka mapatay nito ang kanilang lolo.

Palagi umanong walang tao sa kanilang bahay dahil nagtatrabaho ang kanilang ama bilang isang karpentero at ang kanilang ina naman ay nagtatrabaho sa ibang probinsya.

Sa ngayon, ay nanawagan maging ang kapamilya ng suspek na sumuko na ito.