-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patay ang dalawang menor de edad na magkakapatid matapos nalunod sa ilog sa Dingle Iloilo.
Ang mga biktima ay sina Mike Glenn Pelingon, 10, at Jonex Pelingon, residente ng Calicuang, Dingle.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sgt. Leo Ron Anerdes, imbestigador ng Dingle Municipal Police Station, sinabi nito naghuhugas ng motorsiklo ang ama ng magkakapatid kung saan hindi niya namalayan na umalis sa kanyang tabi ang mga anak nito.
Naligo at naglaro lang umano ang magkakapatid sa ilog ngunit dahil malalim ang tubig, nalunod ang mga ito.
Dinala pa sa ospital ang mga biktima ngunit inideklarang dead on arrival.