-- Advertisements --
grenade victims
grenade victim

Patay ang dalawang menor de edad na magkapatid sa pagsabog ng isang rifle Grenade sa loob na kanilang sa Purok San Roque Sicayab Dipolog City.

Ayon kay Police Corporal Rajid Necesario, dead on the spot ang 8 walong taong gulang na si abdul Malik Pasculado habang naisugod pa sa ospital ang 5 taong gulang na kapatid nito na si Umar Khattab ngunit kalaunan ay namatay din.

Sa panayam ng Star FM Dipolog, sinabi ni PCpl. Necesario, pinaglaruan umano ng dalawa ang nasabing granada at nahulog kaya ito sumabog.

Parehong nagtamo ng malubhang sugat sa katawan ang mga biktima na dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.

Dagdag pa nito, iniwan umano saglit ng kanilang ama ang mga bata ngunit di paman ito nakakalayo sa kanilang bahay ay nangyari na ang pagsabog.

Sinasabing wala din sa mga oras na iyon ang ina ng mga bata dahil nagbabantay ito sa kanilang tindang mga ukay-ukay.

Hindi pa naman malinaw kung saan nanggaling ang nasabing granada ngunit napag-alaman na retiradong pulis ang lolo ng mga biktima.

Samantala, Ililibing din umano agad ang labi mga biktima alinsunod na rin sa tradisyon ng mga muslim.