-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay na ng matagpuyan ang dalawang menor de edad matapos maanod sa sapa na dinadaanan nito pauwi sa kanilang bahay habang maswerte namang nakaligtas ang tatlo pang kasama nito sa Tayabas, Quezon.

Kinilala ang namatay na isang 13-anyos at 9-anyos na bata habang nakaligtas naman ang dalawang 10-anyos na at isang 8-anyos na bata.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PEMSgt. Elmer Manguiat, Chief Investigator sa Tayabas PNP, sinabi nito na nakuha nila ang katawan ng mga biktima kinaumagahan na matapos ang insidente malapit sa naturanng sapa habang halos nasa 10 km naman ang layo kung saan natagpuan ang isa pang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na pumilit pa ring tumawid sa sapa ang mga biktima kahit na lumakas ang agos nito at tumaas ang tubig.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.