CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang dalawang binatilyo sa vehicular accident sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na sina Debbie Alminares, 17, at Jericho Egonia, 15, mga residente ng Brgy Alimodian, Matalam, North Cotabato.
Isa naman sa kanilang mga kasamahan ang nakaligtas sa disgrasya.
Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ang mga biktima sa isang motorsiklo patungo sa bayan ng Arakan ngunit pagsapit nila sa Barangay New Pontevedra, Antipas, North Cotabato ay hindi nila napansin ang inaayos na kalsada at nabangga ang warning device.
Tumilapon sa ang mga biktima sa motor at on the spot na binawian ng buhay.
Sinisi naman ng mga magulang ng mga biktima ang DPWH dahil sa kakulangan ng warning device sa inaayos na kalsada.
Nilinaw naman ng DPWH 1st Engineering District at ang contractor ng ginagawang daan na may nakalagay na signages ngunit sadyang matulin ang takbo ng motorsiklo.