-- Advertisements --
DAVAO CITY – Pinaniniwalaang nasa dalawang mga indibidwal ang natabunan sa nangyaring mudslide ngayong hapon lamang sa Purok 21 at 22 sa Diwalwal, Monkayo, Davao de Oro.
Ayon pa kay Alicia Cabunoc, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) officer, nagpapatuloy ngayon ang pagkuha nila ng impormasyon sa mga residente na apektado sa nasabing insidente.
Sinabi rin ng opisyal na posibleng ang dahilan ng landslide ay ang paglambot ng lupa dala ng nakaraang bagyong Auring pata ang ginagawang road concreting sa lugar.
Sinabi rin ng opisyal na landslide-prone ang lugar, base sa report ng Mines and Geosciences Bureau dahil karaniwang hanapbuhay ng mga residente sa lugar ay pagminina.