-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsilikas ang mga sibilyan sa sagupaan ng magkaaway na grupo sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Nakilala ang mga nasawi na sina Kumander Sali,Kumander Justin Sali at isa umanong sibilyan na tinamaan ng mga ligaw na bala.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Noel Sermese na nagka-engkwentro ang grupo ng 105th Base Command at 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Sitio Damabagu Brgy Barurao Sultan sa Barongis Maguindanao del Sur.

Dahil sa tindi ng palitan ng bala gamit ang mga matataas na uri ng armas ng magkaaway na grupo ay lumikas ang mga residente patungo sa mga ligtas na lugar.

Sinabi ni Sultan sa Sabarongis Chief of Police Major Michael Ameril na matagal ng may alitan sa kanilang pamilya o rido ang dalawang grupo.

Matagal na anyang naayos ang awayan ng mga lider ng dalawang Base Command ng MILF ngunit muling nagka-engkwentro.

Dagdag ni Major Ameril na dalawang MILF Commander at isang sibilyan ang nasawi sa muling pagsiklab ng kaguluhan.

Sa ngayon ay kumikilos na ang MILF,AFP,PNP at LGU para resolbahin ang alitan ng dalawang grupo.