-- Advertisements --

(Update) CENTRAL MINDANAO – Umaabot na sa 50 pamilya ang lumikas nang magkasagupa ang dalawang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dakong alas-7:15 kagabi sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Cotabato police provincial director Colonel Maximo Layugan na nagkasagupa ang grupo nila Kumander Teo Minanimbong at Kumander Quilos sa Sitio 15, Brgy Tunganon, Carmen, North Cotabato.

Dahil sa tindi ng engkwentro lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar sa takot na maipit sa gulo.

Hanggang ngayon ay hindi pa matiyak ang mga nasawi at nasugatan sa naturang bakbakan ng dalawang MILF commanders.

Sinasabing may personal na alitan o rido sa kanilang pamilya dahil sa agawan sa lupa na kanilang sinasaka.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang negosasyon ng MILF Central Committee at mga lokal na opisyal ng bayan ng Carmen para resolbahan ang alitan nang dalawang grupo.