-- Advertisements --
Bakat Shariff Saydona Mustapha Maguindanao
Maguindanao

CENTRAL MINDANAO- Dalawang mga myembro ng Moro Islamic Liberation Front (BIFF) ang pinatay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Muslimin Daud at Noren Ali,mga tauhan ng 106th Base Command ng MILF at mga residente ng Brgy Bakat Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Ayon kay Lieutenant Colonel Roberto Breboneria ang tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army na pinasok ng mga myembro ng BIFF na nagsusuot ng itim na damit na may imprenta ng watawat ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang bahay ng mga biktima at pinagbabaril gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo sila ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Tumutulong ang MILF sa 6th ID na mapanatili ang batas at kaayusan sa mga lugar kung saan may mga puwersa ng BIFF ISIS-inspired Group.

Matagal ng sinasabotahe ng BIFF ang proseso ng kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF, na ang nangungunang pinuno, si Hadji Ahod Ebrahim, ay punong ministro ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.