-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinalakas pa ng Department of Tourism (DoT) ang ‘tourism experience program’ nila hindi lang sa domestic subalit lalo sa foreign tourists na dumayo sa mga mainam at mga magandang tanawin sa bansa.

Ginawa ni DoT Secretary Maria Christina Frasco ang pahayag kasunod ng kanyang anunsyo na nalagpasan na ng Pilipinas ang 2-million mark ng international arrivals nitong taon.

Sinabi ng kalihim na dahil sa pagiging maalaga ng bansa sa mga turista ay nagtagumpay ito upang balik-balikan nila ang mga lugar kung saan mainit ang hospitality experiences na naipadama ng local tour guides at tourism stakeholders.

Partikular na binanggit ni Frasco na mataas ang kanyang inaasahan na paglago pa ng turismo nitong taon dahil sa maraming programa na nailunsad ng ahensiya sa nagdaang 2023.

Magugunitang sa kabila ng sobrang higpit ng kanyang schedules ay napuntahan at pinangunahan ng DoT secretary na dating alkalde ng Liloan,Cebu na si Frasco ang 2nd Mindanao Travel Expo 2024 na dinaluhan ng tourim stakeholders sa Cagayan de Oro City noong nakaraang linggo.