Patuloy na dumarami ang mga residente sa west coast ng Florida ang nakakaranas ng kawalan ng suplay ng kuryente dahil sa pananalasa ng Hurricane Ian.
Sinasabing aabot sa mahigit sa 2 million customers ang nakakaranas ng mga outages.
Kabilang sa mga hardest-hit counties ay ang DeSoto, Charlotte, Lee, Hardee at Sarasota counties.
kaugnay nito, kabi-kabila naman ang pagresponde ng mga rescue teams sa East Naple, Florida upang isalba ang mga residente sa storm surge at nagngangalit na lakas ng hangin.
Ngayon pa lamang nasa 30 rescue missions na ang isinagawa ng tanggapan ng sheriff office.
Liban sa nawalan ng suplay, wala ring internet at cable.
una nang iniulat sa bombo radyo ng ilang OFW na nasa Jacksonville, Florida, sa ngayon ligtas naman ang mga Pinoy sa florida na maagang nakapag-stock ng mga pagkain. Wala rin naman daw pinalikas sa kanila.
Sa ngayon ang bagyong Ian ay bumaba na sa Category 2 hurricane na taglay ang maximum winds na 105 mph.