KALIBO, Aklan—Positibo ang Malay Municipal Tourizom Office na aabot pa sa 2 milyon ang tourist arrival hanggang sa matapos ang kasalukuyang taon sa Isla ng Boracay.
Inihayag ni Malay Municipal Tourizom Officer Felix delos Santos na bumalik na ang dating sigla ng turismo sa Boracay mula sa naging epekto ng Coronavirus o COVID-19 pandemic kung saan, kasamang bumalik ang mga foreign tourist na pinangunahan ng mga Koreano, Taiwanese, Americans at mga Europeans.
Samantala, nilinaw ni delos Santos na hindi kabilang sa kanilang tourist arrivals ang mga turistang sakay ng mga dumaong cruise ship sa Boracay dahil itinuturing silang ekskursiyunista dahil halos ilang oras lamang ang pananatili ng mga ito sa isla kung ihambing sa mga turistang nagtatagal ng isang araw o masobra pa at may accomodation.
Sa kabilang dako, inaasahan na tatlo hanggang limang cruise ship pa ang dadaong sa Boracay bago matapos ang taon 2023.
Nabatid na noong Nobyembre 7 hay nalagpasan na ang 1.8 milyon target tourist arrival kung saan, naitala ang kabuuang bilang na 1,825,758 na kinabibilang ng mga foreign at domestic tourist gayundin ng mga overseas Filipino workers (OFW’s).