Naitala ng Department of Tourism ang mahigi 2,0002,034 na International Tourism Arrivals mula sa buwan ng Enero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.
Naungusan nito ang aabot sa 1.7 million tourist arrivals na target ng ahensya noong taong 2022.
Sa isang pahayag, sinabi ni Tourism Secretary,Christina Frasco, na ang pag abot sa naturang bilang ng mga international tourists arrivals ay dahil na rin sa di matatawarang suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr upang muling makabangon ang tourism sector ng bansa na pinalugmok ng nagdaang pandemia.
Dagdag pa ng opisyal, sa nasabing bilang, ang bansang South Korea ang may pinakamalaking bilang ng mga nagtungong dayuhan sa bansa na may 24.35 %
Sinusundan naman m ito ng Estados Unidos na may 17.62% habang pangatlo ang Canada na mayroong 4.92% at panglima naman ang Japan na mayroong 4.86 %.