CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang dalawang menor de edad habang apat na kasamahan pa ang sugatan nang magkabanggaan ang sinakyan nila na kotse at ang trak na kargamento ng mga semento sa Sayre Highway,Sitio Musuan,Barangay Dologon,Maramag,Bukidnon.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Maramag Police Station commander Lt Col Casam Ali na patungo ang mga biktima sa isang resort upang maligo kaya nag-renta ng sasakyan na pagmay-ari Junius Xavier Abapo mula sa Valencia City ng biglang nawalan ng preno kaya binaybay ang opposite lane dahilan na nakabangga ang trak na minaneho ni Totong Batahoy na nagmula pa sa Davao del Sur.
Inihayag ni Ali dead on arrival na dumating sa La Viña General Hospital ang mga biktima na sina Rommel Daang at Montelcalbo Pabelic dahil sa grabeng natamo na mga sugat sa kanilang katawhan.
Nasa ligtas na rin na kalagayan ang kasamahan nila na sina Niel Javier;Vincent Resolote at James Baldero nang madala sa Sanitarium Hospital at isa pang Zyra Ortiz sa Maramag Provincial Hospital.
Nasa kustodiya na rin ng pulisya si Batahoy habang ang DSWD-Bukidnon ang humawak sa menor de edad na nagmaneho ng kotse.
Inaasahan na maghaharap-harap ang may-ari ng mga sasakyan sa himpilang ng pulisya para sa posibleng amicable settlement ngayong araw.