-- Advertisements --

Isa ang patay habang 29 sibilyan ang sugatan sa missile attack sa mosque at religious school sa Marib, Yemen.

Ayon sa information minister ng bansa na dalawang ballistic missiles ang ginamit sa pag-aatake.

Mula pa noong nakaraang buwan ay tumindi pa ang labanan ng gobyerno laban sa mga Houthi militants na sinusuportahan ng Iran.

Hanggang sa ngayon ay wala pang umaakong grupo sa nasabing pang-aatake.