-- Advertisements --
Magsisilbi umanong babala para sa South Korea at United States ang ginawang pagpapakawala ng North Korea sa dalawang unidentified projectiles ngayong araw.
Ito ay kasunod ng pinaplanong military exercise sa pagitan ng South Korea at U.S sa susunod na buwan.
Ayon sa North Korea, maaari nitong maapektuhan ang denuclearisation talks ng nasabing bansa at Estados Unidos,
Pinakawalan ang missiles sa Silangang bahagi ng Wonsan at hindi pa raw sigurado ang South Korea kung batid ba ito ni North Korean leader Kim Jong-Un.
Binigyang linaw naman ng defence minister ng Japan na hindi umabot sa Japanese waters ang naturang missiles at hindi raw ito makaka-apekto sa national security ng kanilang bansa.