BAGUIO CITY – Nahuli ng pinagsamang puwersa ng PNP ang dalawang kasapi ng Beligen Acetylene-Bolt Cutter Gang sa loob ng Maharlika Livelihood Complex sa Baguio City kahapon.
Nakilala ang mga ito na sina Allyson Aligan, 25, magsasaka at Ambrose Rex Layao, 29, driver, parehong mga binata, tubo ng Patiacan, Quirino, Ilocos Sur at naniniragan ngayon sa Middle Quirino Hill, Baguio City.
Nahuli ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Romeo Buenaventura ng Fourth Judicial Region, Regional Trial Court (RTC) Branch 59, Lucena City.
Nahaharap ang dalawa sa kasong robbery na may piyansang tig-P200,000.
Ayon sa Baguio City Police Office (BCPO), ngayon lamang na-monitor sina Aligan at Layao na mga kasapi ng bolt-cutter gang, acetylene at termite gang na may operasyon sa buong bansa.
Isinilbi ng BCPO at Lucena Municipal Police Station ng Quezon Provincial Police Office ang warrant of arrest ng dalawang suspek.