-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kapwa sugatan at dinala sa pagamutan ang agent at driver ng Money Tree Investment Scheme matapos tambangan at pagbabarilin ng motor riding criminals.

Ayon kay Police Major Benjur Catcatan, hepe ng Lagao Police Station na galing ng Davao City sina Aga Abay-abay kinilalang agent kasama ang driver nito na si Reymund Banggwe subalit pagsapit sa Lagao nitong lungsod pasado ala 8 ng gabi ng Lunes ay doon nangyari ang insidente.

Dagdag ni Catcatan na tumagos sa sinasakyang kotse ng mga biktima ang bala ng caliber 45 pistol.

Tinamaan si Abay-abay sa kaliwang dibdib habang sa ulo naman si Banggwe na nasa delikadong sitwasyon.

Nagpatuloy naman ang pagkuha ng impormasyon ng pulisya para matukoy ang mga salarin gamit ang motorsiklo.

Dagdag pa ng opisyal na tatlong linggo pa lamang dito sa lungsod ang mga biktima.