KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang dalawang wanted person sa nangyaring shoutout sa lalawigan ng South Cotabato at Sultan Kudarat.
Kinilala ni PNP 12 Public Information Officer Police Lieutenant Colonel Lino Capellan ang unang nasawi na Norman Dangan, 33, residente ng Barangay Palian, Tupi, South Cotabato.
Sinabi ni Capellan na si Dangan ay miyembro ng AKP Nilong Group na sangkot sa carnapping, Robbery holdup at gun for hire activities.
Ayon kay Capellan, si Dangan ay unang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Tupi at Polomolok PNP sa Barangay Palian ngunit habang inililipat mula sa Tupi Municipal Police Station patungong Polomolok Police station inagaw umano ni Dangan ang baril ng isa sa kanyang mga police escort kaya’t nabaril ito ng mga pulis at binawian ng buhay.
Ang napatay ng mga pulis na si Dangan ay wanted dahil sa pagpatay sa retiradong pulis na si Puyat Pasague sa Barangay Bentung, Sulit Polomolok noong 2017.
Samantala, patay din ang isang notorious criminal nang manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa liblib na Sitio ng Cocoon, Barangay Salumping, Esperanza, Sultan Kudarat.
Nakuha ng mga pulis sa bahay nito ang 12 gauge break-open pistol, mga bala, assorted bladed weapon at Marijuana leaves.
Sinabi ni Capellan na si Linas ay isa din sa mga suspek sa pagpatay sa dating Barangay Kagawad ng Salumping,Esperanza na si Danny Arzadon noong December 2019.