-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Tuluyang sumuko sa pamahalaan ang karagdagang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ilang araw bago ang Bagong Taon sa lalawigan ng South Cotabto.

Ayon sa 5th Special Forces Battalion ng Philippine Army, ang nasabing mga NPA members ay miyembro ng Platoon Central, Guerilla Front Musa sa ilalim ng Far South Mindanao Region na may operasyon sa bayan ng Lake Sebu at karatig na mga lugar.

Dala nila sa kanilang pagsuko ang isang 5.56mm rifle(Bolt action), isang IED (Cap-2) at isang M14 rifle.

Sa kasalukuyan, ang dalawa ay sumasailalim sa stress debriefing at nakatakdang makatanggap ng tulong.