TACLOBAN CITY — Arestado ang dalawang miyembro ng CPP-NPA matapos silang makuhaan ng mga improvised explosive devise (IED) at armas sa ginawang combat patrol operation ng 20 Infantry Battalion sa Brgy Henogawe, Gamay, Northern Samar.
Kinilala ang mga suspek na sina Agosto Baldoza, alyas Allan at Ricky Capoquian parehong residente ng nasabing barangay.
Ayon kay Capt. Reynaldo Aragones, Chief ng Division Public Affairs Chied ng 8th Infantry Division, habang nagpapatrolya ang mga sundalo ay nakasalubong ng mga ito ang dalawang suspek na may bitbit na isang IED at isang kalibre 45 baril an may magazine at loaded ng 6 na bala.
Nung tinanong ang mga ito ay inamin naman nila na inutusan daw sila ng communist terrorist leader (CTL) na si Rosalinda Esponilla, alyas Meagan na itanim ang naturang IED sa dadaanan ng mga nagpapatrolyang sundalo.
Ayon pa report ng Philippine Army ang nahuling mga suspek ay kasama rin sa mga rebelde na umatake sa Gamay Municipal Police Station noong nakaraang 2004.
Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng Gamay Municipal Police Station ang mga rebelde habang pormal ng isinampa ang kanilang kaso sa Provincial Prosecutor’s Office ng Laoang, Northern Samar.