Kasabay ng unang araw ng Hulyo, nakauwi na sa Pilipinas ang naging kinatawan ng bansa sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo.
Bakas ang excitement matapos aniya ang 14 oras na biyahe, agad nag-live video sa kanyang Instagram ang 24-year-old half Indian beauty mula Iloilo.
Naka-check in na ito mag-isa sa isang hotel kung saan daw siya sasailalim sa 10 araw na quarantine.
Kahapon nang bumiyahe si Mateo mula sa Los Angeles airport.
Una na itong nakipag-dinner kasama ang Hollywood director na si Cyrus Nowrastehng pelikulang “The Young Messiah.”
Marami ang nag-akala sa kanilang larawan na ang kasama ni Rabiya ay ang kanyang Indian na ama na tinarget niyang hanapin sa kasagsagan ng pananatili sa Amerika.
Nabatid na mahigit dalawang buwang nanatili sa Amerika Fil-Indian beauty kasama na ang pagbabakasyon muna matapos ang Top 21 finish sa 69th Miss Universe.
Gayunman, naging kontrobersyal ang kanyang lovelife matapos mapaulat na nagkakalabuan sila ng non-showbiz long time boyfriend at na-link sa sa kaedarang modelo na si Andre Brouillette.
Pero para sa first ever winner ng kauna-unahan ding hiwalay na Miss Universe Philippines, dumaan na sila sa ganoong komplikadong sitwasyon ng boyfriend at sila ay mag-uusap pagkauwi niya sa Pilipinas.